Mr. ERWINITO R. MADURO, Security Guard for 9 years in JRU, and ROBELLYN R. NEMIS, Security Guard for 7 years in JRU.
“Bata palang ako gusto ko na talaga maging piloto kaso dahil sa kahirapan ng buhay at High School lang ang natapos ko, hindi na talaga kinaya. Gustuhin ko man ipagpatuloy iyong pangarap ko hindi na rin kakayanin dahil sa edad ko, pero masaya ako sa trabaho ko bilang security guard dahil nakakaya kong gampanan iyung tuntunin ko bilang tatay sa aking pamilya at matustusan ang mga pangangailangan nila. Pag sisikapan ko ito kasi thankful ako na nakaka pag work ako para sa aking pamilya.” – SG Maduro
“Pangarap ko po talaga maging Teacher. Kaso dahil sa kahirapan ng aming buhay at walo po kaming magkakapatid, nag 2-year vocational course nalang ako. Hindi ko in-expect na magiging isa pala akong security guard, na iyong pinapangarap ko, hindi natupad. Pero naniniwala pa rin ako na kaya ko, pangarap ko pa rin siyang tuparin. Pag naipag tapos ko ang panganay na anak ko sa college, balak kong mag aral ulit at tuparin ang pangarap ko na maging isang guro. Pero ngayon masaya ako dahil may pagkakatulad pa rin ang trabaho ng guro at school security guard. Nandoon iyong parte na siguraduhing mag kakaroon ng sigurado at magandang kinabukasan ang mga mag-aaral.” – SG Nemis
“Mahalaga ang pagkakaroon ng pangarap lalo na iyong mga pangarap namin nung mga bata kami. Pero ngayong may mga pamilya na kami, ang pamilya na namin ang pinaka mahalaga, kailangan na muna naming isantabi ito at ang sarili namin dahil sa mga panahong ito ay ang mga anak muna namin ang dapat tumutupad sa mga pangrap nila, dahil ang pangarap nila ay pangarap din namin.” — SG Maduro
“Pero ang higit na pinapasalamat namin ay ang pamilya na nabuo namin sa mga estudyante at mga employees dahil sa sobrang tagal na naming nagtatrabaho rito, natutuhan po namin na kung may respeto ka sa kapwa, meron kang respeto sa sarili mo at kahit ano pa mang trabaho na pinanggagalingan ng isang tao, kung may prinsipyo sa buhay magtatagumpay ka lalo na kung ito ay hindi lang para sa sarili mo kung hindi para rin sa pamilya mo.” — SG Maduro
“Labis pong nakakataba ng puso dahil naalala pa rin po kami ng mga estudyante kahit sobrang tagal na po nilang grumaduate sa JRU at ganap nang mga professional. Nakakatuwa po dahil sa JRU pantay-pantay ang tingin nila sa mga tao at irerespeto ka nila. Walang mayaman, walang mahirap, walang discrimination na nangyayari, lahat ng mga employees at mga student pantay ang tingin at nandoon ang respeto at boundary ng bawat isa, kaya labis po akong nagpapasalamat na nandito po ako sa JRU at tumagal ng higit 7 years sa serbisyo.” — SG Nemis
“Hindi ko akalain na tatagal ako dito sa JRU kasi ang buhay ng isang guwardiya hindi siya regular dahil contractual kami sa isang agency, mag-kamali lang kami puwede kaming matanggal sa trabaho. Pero sa awa ng Diyos andito parin ako sa JRU at hindi ko akalain na aabot ako nang 9 years bilang isang security guard. Higit akong nagpapasalamat at sobrang saya ko dahil hinayaan nila akong mag trabaho nang ganun katagal at dahil doon naibigay ko iyong mga pangangailangan ng aking pamilya. Masaya ako na sa tagal ko dito, nakakaintindi namin nang maayos at ginagampanan namin ang trabaho namin bilang security guard na siguraduhin ligtas ang bawat isa.” — SG Maduro
Guards are often the unsung heroes of our universities. Day and night, they stand watch to ensure the safety and security of the university and its studentry. They brave the elements and face potential danger to protect us from harm. Their contributions are invaluable, and they deserve recognition for their hard work.
But what makes guards truly exceptional is their selflessness. They prioritize the needs of the university and studentry above their personal needs and comfort. They work long hours, sometimes sacrificing time with their own families to ensure that we are safe and secure. This selflessness is genuinely admirable and serves as a reminder of the value of putting the needs of others before our own.
As we celebrate Zero Discrimination Day today, it is essential to remember that every job is important and deserves respect and dignity. Guards may not hold glamorous positions, but they are just as integral to the functioning of our universities as any other profession. Discrimination or belittlement of any job is unacceptable, and we should honor and recognize the efforts and contributions of every individual, regardless of their job title or social status. Let us all take a moment to acknowledge our guards’ hard work and selflessness and show our appreciation for their contributions to our university community.
Written by:
Lovely Jhun M. Tantiado & Jake E. Fabon
Rizalian Campaign Heroes