Reflections: World Teacher’s Day Special
October 5, 2021
School, Child, and Home: Better Together in the New Normal Education
October 14, 2021

RIZALIANO REHISTRADO

by Maxine Joie Mananquil, 4th-year BSCPE

Bakit ka nagparehistro?
Nagparehistro ako para magamit ang aking karapatan upang piliin kung sinong leader ang nais kong mamuno at magtaguyod ng pilipinas upang maayos ang mga problemang ikinakaharap natin ngayon.

Paano ang proseso na pinagdaanan mo sa pag-register?
Bago mag September 11 nalaman ko na magkakaroon ng registration sa SM Megamall kaya nung araw na yon pumila agad ako ng maaga kasi baka mahaba na yung pila pagdating pero thankfully onti palang. Una, pinadouble check muna sa amin kung nafill-upan na namin lahat ng kailangan pirmahan at lagyan ng date. Pangalawa, pinapunta kami sa unang part ng registration kung saan magkakaroon lang ng maiksing interview at iaassign ka sa iyong presinto. Pangatlo, kukunin ang iyong biometrics at pipicturan ka para sa iyong id. Panghuli, pwede mo nang kunin ang iyong acknowledgement receipt. Minsan nakakalito kung saan mo kailangan pumunta pero meron namang mga staff sa COMELEC na handang tumulong sayo.

Para kanino ang boto mo?
Ang boto ko ay para sa Pilipinas at para sa akin. Dahil, pagkaraan ng ilang taon tayo din naman ang maapektuhan ng ating mga desisyon, depende sa kung sinong tao ang iboboto natin at kung ano ang kanyang mga solusyon at mga mapaplano upang ang mga pilipino ay mamuhay ng maayos.

Bakit importante ang youth participation sa election?
Importante ang youth sa pagboto sapagkat tayo ang nagcocomproise ng halos 40% ng mga botante. Ang kabataan din ay mulat sa mga pangyayari sa paligid at sa bansa ngayon which means na tayo ay may sapat na kaalaman sa pagpili ng leader na makakapag bigay solusyon at plano sa ating mga problemang nararanasan ngayon.

Ano ang mensahe mo para sa mga di pa nag paparegister?
Sa mga hindi pag nagreregister, ineencourage ko kayo na magparehistro sapagkat ito ay ang ating karapatan upang magkaroon ng mas maayos na kinabukasan. At kahit isipin niyo na “isang boto lang naman to kaya hindi importante”, nagkakamali kayo. Dahil walang nabubuong 20 pesos kung walang piso meaning kapag pinagsama sama ang ating boto ay mas malakas tayo at ang isang boto ay maaaring magdala ng magandang kinabukasan para sa mga Pilipino at sa ating bansa.

Comments are closed.