Helpdesk Hotlines
March 27, 2020
Hospitality Management Students join the Dalgona Coffee Challenge
April 6, 2020

“I may not be recognized as a hero but in the eyes of God for once in my life I cared for humanity.” – Jay Espejo Agabin, Frontliner

ALUMNI FEATURE OF THE MONTH:

Hi, I am Jay Espejo Agabin,  Assistant Nurse Unit Manager at Progressive Care Unit at St. Luke’s Medical Center Quezon City from Bachelor of Science in Nursing Batch 2015.

I’ve been working for almost 4 years now as a nurse. My profession is not easy, and we are always at high risk in acquiring diseases from our patients through direct contact, droplet, airborne and fomites. It’s difficult to handle a stressful situation in health care settings but I believe I was destined to become a nurse. It was my choice anyway, and it is my calling.

It was all my normal days even though the stress at the workplace is unavoidable until the lockdown happened. And yes, we are all shocked by the COVID 19. Since it is a new type of disease, people got scared and confused. At first, I thought this would be a simple virus that soon enough will vanish but it was terrifying when the spread of the virus became global. And since it has spread all over the world, it is hard now to contain the disease.

The past few days, sobra akong nahirapan…natatakot not for me dahil sabi ko sa sarili ko palagi naman kami naeexpose sa kung anu-anong sakit kaya matibay ako ngunit higit na natatakot para sa family ko. When I first heard about the disease sabi ko pano na kaya ang mga kapatid ko, ang magulang ko, mga mahal ko sa buhay. As I am watching the news, madami ang namamatay dahil sa sakit na ito. Dahil Pilipino ako mag-isip, sabi ko kung mamamatay tayo e di mamamatay.

When the lockdown started, lahat pinasara dito sa NCR, paaralan, opisina, mall, trabaho pinastop pati mga events but since I am working in a healthcare industry sabi ko walang chance at no choice ako kung hindi papasok pa rin. Nung unang araw ng lockdown, nakakagulat ang kalsada, walang masakyan. Nakatira ako sa Sta Mesa Manila at ang workplace ko ay nasa E Rodriguez sa Quezon City. Nagantay ako baka sakaling may masakyan, pero sabi ko baka malate ako kaya I decided na maglakad na lang at nilakad ko nga although nagbabakasakali na may magsakay pero wala kaya nagpatuloy ako sa paglalakad. Imagine 5-6KM ang layo, maguumpisa pa lang ako sa trabaho pero pagod na ako pagdating. Iniisip ko pano kaya pabalik.

Nung matapos ang duty ko mabuti na lang at nagprovide and St. Luke’s ng transportation para makauwi at makapasok ang nagtatrabaho. Lumipas ang mga ilang araw, ang hirap hagilapin ng free transport kaya no choice ako kundi maglakad uli, kung sasakay ka dapat kasi agahan mo pagaabang pero paano naman ang tulog at pahinga mo. Tiniis ko ang ilang araw, mabuti na lang din nagprovide ng matutuluyan ang St. Luke’s pero unahan kaya di ako nakasama. May mga kasamahan ako na nag-rent na ng matutuluyan dito malapit sa workplace namin pero di ko maiwanan ang mga kapatid ko sa inuupahan namin pareho kasing mga babae at nasanay akong kasama sila. Sa hirap ng transportation ayoko na sanang pumasok kaso kailangan na kailangan kami dahil marami nang naka-quarantine.

Lumipas ang ilang araw, dahil nagcontact tracing nakasama ako sa PUM dahil nag-assist ako sa insertion ng IV ng pasyenteng kaka-declare lang as PUI. I was so afraid, PUM palang pero andami nang tumatakbo sa isip ko, ganun daw talaga kapag nurse o may alam sa mga sakit overacting at malalim magisip. 7 days akong na home quarantine, no choice ako dahil sa bahay lang kami until ma-clear kami at asymptomatic. Nakakabahala pala talaga, ang tagal naming nagantay ng resulta nung PUI naming patient dahil sobrang dami daw ng nagpapatest sa RITM. Natatakot ako baka nahawaan na rin ako if positive ang result.

When I was cleared to go back to work since negative yung PUI naming patient, I decided to stay inside the hospital since may quarters silang naprovide. Natakot ako baka pagbalik ko sa bahay mahawaan ko mga kapatid ko o kaya madala ko yung virus. Kahit uncomfortable dahil sino ba naman ang gustong mag-stay sa hospital kung napapaligiran ka ng mga positive sa COVID 19 na patients at di mo alam if sinong carrier na rin sa mga katrabaho mo. Nagdala ako ng maraming damit para kung sakali ready ako. Ilang araw na ako nakstay sa quarters pero di ako makatulog ng mabuti, libre ang pagkain at matutuluyan pero ang hirap, namamahay ba ako, o dahil sa stress ng situation. Gusto ko nang bumalik sa mga kapatid ko, nag-aalala ako sa pamilya ko pero kailangan sa trabaho okay ka, kailangan kahit may pinagdadaanan ka naka-smile ka pa rin sa pasyente at mga katrabaho mo. Hindi lang ako ang may pinagdadaanan sa panahong ito mas marami pa akong kasama sa trabaho na nakatira sa mamlalayong lugar pero mas piniling magstay sa quarters dahil ayaw rin nilang mahawaan ang mga kasamahan nila at mahal sa buhay. At mas lalong nadagdagan ang takot naming mga healthcare workers dahil sa pang-haharass ng mga tao.

May mga pagkakataon nuong umuuwi pa ako sa amin sa Sta. Mesa nung nag-uumpisa palang ang COVID sa Pilipinas, pinagtitinginan ako ng mga nakakasalubong ko, nung dati proud ako sa nakatatak sa uniform ko pero dahil sa kumakalat na ang balita at may patient kaming nag-positive para na akong pinandidirihan sa kalsada. Pinagtitinginan at naririnig kong “uy St. Lukes, may COVID yan”, mga bulong na naririnig ko. Hinuhusgahan ako ng bawat makasalubong ko at natatakot dumikit sa akin. Natatakot ako baka matulad ako sa nurse na sinabuyan ang mukha ng bleach o baka mas malala pa gawin sakin.

Hindi biro ang pinagdadaanan naming healthcare workers. Sa kabila nang kagustuhan naming tumulong sa mga may sakit, sa pag-aalaga sa mga pasyenteng may COVID at PUI, sa kabila ng pagsasakripisyo namin, pinandidirihan kami ng karamihan. Masakit…masakit sa damdamin dahil hindi nila inaalala na sa kabila ng sakripisyo may mga mahal kami sa buhay na hindi namin malapitan…mahagkan man lang. Nakakapagod sa trabaho pero higit kaming pinanghihinaan sa sitwasyon namin. Hanggang tawag nalang kami sa mga mahal namin sa buhay, hanggang gate na lang ang iba, magpapaabot ng gamit at aalis rin agad. Hanggang sulyap na lang sa pamilya kahit miss na miss mo na sila. Ngunit sino ba kami para tumanggi sa tungkulin, naiintindihan namin ang takot ng bawat isa, maging kami rin naman natatakot na baka carrier kami at mahawaan ang mahal namin sa buhay ngunit dahil responsableng indibidwal pinili namin ilayo ang aming sarili.

Nakikita ng karamihan, masaya kami sa mga post namin sa Social Media, nakangiti ang mga mata sa litrato subalit hirap na hirap na ang puso namin, takot na takot dahil dumadami na ang healthcare workers (doctors and nurses) na nahahawaan at namamatay. Hindi namin alam kung hanggang kelan matatapos ito, hindi namin alam kung hanggang kelan namin matitiis na mahiwalay sa aming pamilya. Kung kailan namin matitikman humiga ulit sa aming mga kama at kung kelan kami makakasabay sa hapag-kainan kung kami ay buhay pa .

Sa kabila ng lahat, hindi kami nawawalan ng pag-asa. Tanging dasal na lang ang kinakapitan namin. Dasal na sana ay matapos na itong sakit na ito, na mapagtagumapayan natin labanan ito., na sana ay di na madagdagan pa ang bilang ng positive sa COVID.

More than that, may magagawa pa tayo kung magtutulungan tayo. Magtatagumapay tayo kung lahat tayo ay tutulong sa paraang alam natin. Kung ikaw ay fronliner patatagin mo ang resistensiya mo at doble ingat para hindi mahawaan at magpatuloy sa pagbibigay serbisyo. Kung ikaw ay nasa bahay, manatili ka sa bahay at magdasal , sumunod ka sa payo ng inyong community sa striktong Social Distancing and Enhanced Community Quarantine. Magkaisa at magtulungan.

As I have said in one of my posts in social media, this time is not the right time to blame someone, it is not the right time to argue and complain, it is the perfect time to unite and help each other in order to win this battle. And if I die in the middle of this battle, I am lucky because Filipino is worth dying for. I may not be recognized as a hero but in the eyes of God for once in my life I cared for humanity.

I am Jay and I am proud to say I am a frontliner!

Comments are closed.