Isang Daang Taon na Tayo

Words and Music by: John Kenneth Dael
Interpreted by: John Kenneth Dael

Verse I
Isang daang taong namamayagpag
Ang samahan lalong tumatatag
Ginto’t bughaw na bandila
Iwawagayway sa buong bansa

Verse II
Isang daang taong umaangat
Naglilingkod ng buong tapat
Dunong at yaman ang puhunan
Rizaliano magpakailanman

Chorus
Isang daang taon na tayo rizaliano
Taas noong isisigaw sa mundo
Isang daang taon na tayo rizaliano
Sabay sabay susulong tayo
Oh oooh ooooh(2x)

Verse III
Aawit ng buong lakas
Sasalubungin ang bagong bukas
Kapit kamay sa pag abot ng tagumpay
Pusong Rizaliano ang aming taglay
(Repeat Chorus)

Chorus II
100 daang taon na tayo rizaliano
Taas noong isisigaw sa mundo
100 daang taon na tayo rizaliano
Sabay sabay susulong tayo
Oh oooh ooooh(2x)
Tayo’y Rizaliano!